Isang napapanahong pagtalakay:
- nakapokus sa idealisadong pagtingin sa pamilya, lipunan, at kahalagahan ng pananampalataya bilang aspekto sa pagbabagong tatag sa daigdig
- nagtataguyod ng alternatibong pagtugon sa pakikidigma o pakikipagtunggali—pagpapatawad, pakikipag-usap, at pagpaparaya sa Diyos, ang paghahatol at pagpaparusa, at higit sa lahat, ang pagpapanaig
ng kabutihan laban sa kasamaan - gumagamit ng mga makabagong dulog sa paglinang at pagpapaunlad ng talasalitaan
- naglalaman ng mga tanong sa pag-unawa sa nilalaman na naglalayong lalong mapatibay ang kognitibong kasanayan gamit ang konsepto ng multiple intelligence
- liban sa mga kasanayan sa mapanuring pagbasa, nililinang din ang kasanayang pampag-iisip (thinking skills) sa tulong ng mga kagamitang pampag-iisip (thinking tools)
- nililinang din ang mga angking pagpapahalaga (values) ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gawaing nakapokus naman sa core values ng DepEd
- inilalabas ang guro at mga mag-aaral sa bawat pahina ng aklat upang maiugnay ang talakayan sa higit na malawak na larangan sa labas ng klasrum